in

June 3, simula ng booking sa bakuna kontra Covid19 sa lahat ng edad sa Italya. Ang sitwasyon sa bawat Rehiyon.

Ayon sa vaccination plan ng Italya, simula ngayong araw, June 3, ay posible na para sa lahat ng mga mamamayan na may edad na 12 pataas ang magpa-book para sa bakuna kontra Covid. 

Ayon sa pinakaupdated na datos, umabot na sa kabuuang bilang na halos 40M (39.958.409 dosis ayon sa gobyerno) ang mga dosis ng bakuna na hinati-hati sa mga rehiyon ng buong bansa. Umabot na sa bilang na 35.435.853 dosis ang naiturok na, katumbas ng 88.7% ng kabuuang dosis na naipamahagi sa mga rehiyon. Samantala, umabot na sa 12.294.543 katao (katumbas ng 22.66% ng populasyon over12) ang nakakumpleto na ng bakuna kontra Covid19. Sa bilang na ito ay idadagdag ang 11M katao na nakatanggap na ng unang dosis ng bakuna. 

Bagaman malawakan na ang ginagawang pagbabakuna sa Italya, ang organisasyon at mga patakaran ay hindi pare-pareho sa mga Rehiyon. Sa katunayan, hindi lahat ng mga Rehiyon ay nagsimula sa parehong paraan at panahon. 

Narito ang mga petsa sa bawat Rehiyon:

Abruzzo – Simula ngayong araw, June 3, ay maaaring magpa-book mula 16 anyos pataas. Ang platform ay bukas simula 2pm. Samantala para sa mga edad 12-15, ay hinihintay pa ang indikasyon. 

Basilicata – Bukas ang platform booking ng Rehiyon sa lahat ng edad. Ngunit sa kasalukuyan ay nagbabakuna sa mga over50s at over60s.

Calabria – Simula 4pm ngayong araw, June 3, ay bukas na ang booking mula 12 anyos, kabilang ang mga 20s at over 30s. 

Campania – Naghihintay pa ng indikasyon mula sa Unità di Crisi ng Rehiyon para sa pamamaraan at panahon para sa bawat edad. Nagsimula na din ang iba’t ibang Open day at pagbabakuna sa mga kabataang sasailalim sa state exam.  

Emilia Romagna – Simula June 7-18, tuwing ikalawang araw ang booking para sa mga edad 35-39, edad 30-34, edad 25-29 at edad 20-24. Pagkatapos ay ang mas bata. Simula June 18, ang booking ay bukas sa lahat ng edad. 

Friuli-Venezia Giulia – Nag-anunsyo ang Rehiyon na simula ngayong linggo ay sisimulan ang booking para sa lahat ng edad. 

Lazio – Para sa mga kabataan na may eded mula 12-16 anyos, ang booking ay gagawin sa mga pediatrician.

Liguria –Noong May 31 ay nagkaroon ng ikalawang Open day para sa mga over-18 para sa AstraZeneca at Johnson&Johnson. Sa kasalukuyan ay nagba-bakuna na sa mga 40s. 

Lombardia – Simula 12:00 am kaninang umaga ay nagsimula na ang booking mula edad 12 hanggang 29.

Marche – Bukas ang booking ng rehiyon para sa iba’t ibang edad mula 40s. Simula noong May 30, ay nagsimula ang booking para sa lahat, mula edad 16 pataas, for person with comorbidities. Sa June 5 naman ang simula ng booking para sa lahat ng edad mula 12 hanggang 39 anyos. Sa June 1-6 ay maaaring magpabakuna ang mga sasailalim sa state exam na tinatayang aabot sa 14K kabataan, ng walang booking ngunit alphabetical order.

 

Molise – Nagsimula ngayong araw, June 3, ang booking para sa mga eded 39-30, habang ang mga edad 29-20 ay magsisimula ang booking sa June 5.

Piemonte – Nagsimula kahapon ang booking ng mga over-30s (kabilang ang mga ipinanganak ng taong 1991), at simula ngayong araw, June 3, ay magsisimula ang booking ng mga kabataan mula 18 anyos pataas. 100K bakuna naman ang nakalaan sa mga kumpanya.

Puglia – Simula ngayong araw, June 3, ay nagsimula ang booking para sa mga under40, may edad 39-35. Sisimulan sa mga ‘fragili’, ang Puglia ay magsisimula na rin ng booking ng mga kabataan mìna may edad 12-15. 

Sardegna – Simula June 4, ay magsisimula ang booking mula edad 16 hanggang 39, mula 12pm, sa pamamagitan ng platform ng Poste Italiane. 

Sicilia – Nagsimula na din sa Sicilia ang booking mula edad 16 hanggang 39.

Toscana – Bukas na ang booking hanggang sa mga ipinanganak noong 1983. Ang booking mula edad 16 ay magsisimula sa June 7. 

Trentino Alto Adige – Simula ngayong araw, June 3, ay bukas ang booking para sa mga may eded 16 hanggang 18 anyos. 

Umbria – Ang booking ay bukas na sa lahat mula 18 anyos pataas. Sa kasalukuyan ay nagbabakuna sa mga edad 50. 

Valle d’Aosta – Nagsimula kahapon, June 2, ang Astra Open Day, kung saan lumahok ang mga mamamayan mula 18 anyos pataas. 

Veneto – Simula bukas, June 4, ay magsisimula ang booking para sa edad 12 hanggang 39. May availability ng 700K slots para sa booking hanggang August 4. 

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 5 Average: 3.2]

Tessera Sanitaria Ako Ay Pilipino

Tessera Sanitaria habang naghihintay ng Regularization, narito kung paano magkaroon

Ako Ay Pilipino

European Digital Identity, isinusulong ng European Commission