in

July 10, 2020, deadline ng contributi Inps ng mga colf at caregivers

Makalipas ang isang buwan mula sa unang quarterly payment, (na dahil sa krisis pangkalusugan ay extended ang unang quarterly payment hanggang noong nakaraang June 10 na dapat sanay noong April 10, 2020 ang dealine), ang mga employers sa domestic job ay kailangang bayaran ang ikalawang quarterly payment ng contributi Inps ng mga colf at caregivers hanggang July 10, 2020. Ito ay tumutukoy sa mga buwan ng Abril, Mayo at Hunyo 2020.

Paano babayaran ang contributi Inps

Simula sa taong 2020, ang kontribusyon ng mga colf at caregivers ay maaaring bayaran online, sa pamamagitan ng Portale dei Pagamenti, o sa pamamagitan ng mga sumusunod na alternatibo:

  • Sa post offices, mga bangko at home banking;
  • Online sa pamamagitan ng “Pagamento Immediato PagoPa” gamit ang credit card, debit o prepaid card o bank account;
  • Sisal, Lottomatica at Banca 5;

Sakaling maaantala sa pagbabayad, ipinapaalala ang pagkakaroon ng multa. Samantala, ang kontribusyon ay kailangan naming bayaran hanggang 10 araw matapos ang pagtatapos ng rapporto di lavoro. (PGA)

Biyahe mula Bangladesh, pansamantalang suspendido

Reddito di Emergenza, maaari pa bang mag-aplay?