in

Isang wallet na may € 1K cash, ibinalik sa Pinay na may-ari

Isang wallet na naglalaman ng €1,000 cash ang natagpuan, inihatid sa pulisya at naibalik sa may-aring Pinay.

 

 

Isang Egyptian national ang hindi nagdawalang isip at inihatid sa Carabinieri ang napulot na wallet na naglalaman ng € 1,000 cash.

Ayon sa report, noong nakaraang Sabado ng hapon, natagpuan ng 42 anyos na Egyptian ang wallet sa bangketa ng Via Fiuli (sa rione Crocetta di Cinisello Balsamo). Ito ay naglalaman ng €1,000 cash at dokumento ng may-ari. 

Inihatid ng Egyptian sa pinakamalapit na pulisya ang napulot. Dito ay sinuri at tinawagan ng awtoridad ang may-ari. Isang 40 anyos na Pinay na hindi mababayaran ang tuwa dahil ayon dito ay kawi-withdrawed lamang umano ng pera upang magbayad ng renta ng apartment, grocery at para sa gastusin ng pamilya. 

3,500 permit to stay sa isang linggo, ini-released ng Ufficio Immigrazione di Brescia

Ang Romanso ni Ibarra