in

Isang pamilya ng dayuhan sa standard class, bilang models ng Trenitalia

altIsang pamilya na galing sa ibang bansa bilang models sa Standard level ng Frecciarossa, samantala sa mas mataas na libel o klase nito ang lahat ay puro puti. Isang mainit na isyu: “Isang desisyong rasista,” at ang kumpanya: “Hindi”, ngunit pinalitan ang larawan.

Rome – Enero 4, 2012 – Executive, Business, Premium o Standard ito ang mga bagong klase sa tren na Frecciarossa, sa pababang order ng conveniency at serbisyo. Ang mga pasahero sa pinakamurang  halaga, halimbawa, ay hindi maaaring bigyan ng upuang balat o makapasok sa mga meeting rooms na maaaring magamit ng mga executive travelers.

Lahat ay normal at nasa ayos, kung hindi pinag-biyahe ng Trenitalia ang mga imigrante ay pinaka mababang klase, bilang mga models nito. Itim ang kanilang balat at galing sa ibang bansa ang mga katangian ng masayang pamilya na, sa cover ng isang brochure ng mabilis na tren na na-publish sa website ng kumpanya, ay nakalarawan sa standard level. Lahat ng mga puti, gayunpaman, ay ginamit na mga models ng mataas na klase o libel nito.

Ang mensaheng pinarating, nang walang masamang hangarin, na ang pinakahuli o pinakmababang klase ay para sa mahihirap at ang “karaniwang mahihirap” ay mga migrante. Iniulat sa blog ng Piovono Rane di Alessandro Giglioli, ito ay kumalat sa web.  “Ngayon sila ay nagkamali” mababasa online “ang FS ay lumabas sa riles”, iba pang mga jokes, ngunit may ilang lantarang nagsalita ng isang “racist ad” o isang “bagong aparteid”.

Ang Trenitalia ay tumugon sa isang tala mula sa kanyang press agency, at binigyang diin na ang ibang larawan sa website na para sa iba’t ibang klase o standard level ay mayroon ding mga hindi itim o ang mga pasahero na itim o may katangiang dayuhan ay matatagpuan din sa ibang larawan sa mas mataas na klase. “Ngayon, sa kabutihang-palad, ang Italya ay isang bansang multiethnic at ang Trenitalia, na may 2 milyong pasahero sa isang araw, ay ang unang saksi nito,” ayon dito.

Maaaring kumbinsido sa mga dahilan ang Trenitalia, ngunit pansamantala ang grupo ni Mauro Moretti ay pinalitan ang cover ng brochure. Ngayon, para sa Standard level, ay pumili ng isang larawan ng isang hilera ng upuan na walang nakaupo dito. Ito ay upang hindi makasakit ng kalooban ninuman.

Buwis ng mga permit to stay – “Nangangailangan ng maingat na pagsusuri”

Self-certification, para rin sa mga imigrante.