in

Increase sa sahod sa domestic job, simula Jan. 1, 2021

Simula January 1, 2021, ang mga naka live-in na badante o caregivers, na nasa level BS sa kanilang employment contract ay makakatanggap ng bahagyang increase sa kanilang mga sahod. Partikular, karagdagang € 12,00 kada buwan. Ito ay nasasaad sa bagong Contratto Collettivo del Lavoro Domestico na pinirmahan noong nakaraang Sept. 8, 2020. 

Inaasahan din ang katumbas na pagtaas sa sahod para sa lahat ng iba pang mga contractuals, kasama ang mga part-timers. Gayunpaman, ang bagong table ng mga sahod sa sektor ay ilalathala sa Enero 2021. 

Ang pagtaas ay mula sa 0.20% ng Istat index sa huling 8 taon, o mula noong 2013 kung kailan huling napirmahan ang Contratto Collettivo del Lavoro Domestico bago ito muling napirmahan nitong 2020.  (PGA)

Basahin din:

Regularization: Inps, nagbigay ng instruction sa pagbabayad ng kontribusyon

Patente di qualità sa domestic job, ano ito at paano magkaroon nito?