in

ICU sa 4 na Rehiyon sa Italya, lumampas sa warning level

Alerta ang sitwasyon sa mga ICU sa Italya, partikular sa apat na rehiyon. Ayon sa Agenzia per i Servizi Sanitari (Agenas), apat (4) ang mga rehiyon at provincie autonome na lumampas sa warning level na 30% na bed occupancy rate ng mga covid19 patients. Ang pamantayan ay itinalaga ng Ministry of Health. 

Ang rehiyon na higit na nakakabahala ay ang Umbria na may 60%  covid19 patients bed occupancy. 

Sinundan ng PA di Bolzano na may 40% covid19 bed occupancy rate, Friuli Venezia Giuli, na may 35% bed occupancy rate at Marche na may 34%. 

Stable naman sa national level, ayon sa Agenas, na may 24% rate. 

Ang PA di Trento ay bumalik ng mas mababa sa warning level na 29%,  katulad ng Lombardia at Liguria

Ang Abruzzo naman ay may 28%, kasama ang Puglia. 

Ang Lazio nay may 27% covid19 patients bed occupancy.

Samantala, ang Emilia Romagna, Toscana at Molise ay may 23%.

Ang Piemonte ay may 22%. Sicilia ay may 20% habang ang ibang mga rehiyon ay nasa mas mababa sa 20%. 

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pagbabawal magpunta sa ibang Rehiyon Ako Ay Pilipino

Pagbabawal magpunta sa ibang Rehiyon, pinalawig hanggang Feb 25

Karagdagang paghihigpit Ako Ay Pilipino

Karagdagang paghihigpit, pinag-aaralan na!