in

Heatwave: bollino rosso sa 14 na lungsod sa Italya ngayong araw

heatwave italya

Nagpapatuloy ang heatwave sa Italya! Mula sa 10 lungsod kahapon, 14 na lungsod naman ngayong araw ang nasa bollino rosso o red alert dahil sa heatwave na nagpapatuloy ngayong araw, August 1. 

Ang 14 na lungsod ay ang Bologna, Bolzano, Brescia, Campobasso, Firenze, Frosinone, Latina, Perugia, Pescara, Rieti, Roma, Torino, Verona at Viterbo. 

Tulad ng unang inilathala ng akoaypilipino, ang heatwave mula Marocco at Algeria ay inaasahang mas matindi sa unang weekend ng buwan ng Agosto.

Ang thermometer ay papalo hanggang 40° sa maraming lungsod mula North hanggang South: Terni, Roma, Viterbo, Rieti, Puglia, Cosenza at hanggang 45° naman sa Sicily at Sardegna. (PGA)

Basahin din:

Heatwave sa Italya, aabot hanggang 40°

heatwave-covid19

Heatwave sa panahon ng Covid19, narito ang ilang practical tips