in

Heat wave, papalo higit sa 40° ngayong linggo

Heat wave

Itinaas sa red alert sa tatlong magkakasunod na araw ang maraming lungsod sa Italya dahil sa matinding heat wave na papalo higit sa 40° ang temperatura.  Ngayong linggo ay itatala sa bansa ang pinaka mainit na linggo ng Summer 2021

Simula ngayong araw, apat (4) na lungsod ang isinailalim sa red alert. Ito ay ang Bari, Campobasso, Rieti at Roma. 

Samantala, bukas Miyerkules ay magiging walo (8) ang lungsod sa ilalim ng red alert: Frosinone, Palermo, Perugia, Rieti, Bari, Campobasso, Latina at Roma.

Sa Huwebes, August 12, mula walo ay magiging sampu (10) ang mga lungsod sa ilalim ng red alert: Bari, Bologna, Campobasso, Frosinone, Latina, Palermo, Perugia, Rieti, Roma e Trieste.

Ang red alert o bollino rosso ay ginagamit ng Ministry of Health upang markahan ang mga lugar kung saan magtatala ng maximum na heat wave at ang peligrong hatid nito ay para sa buong populasyon. Samantala, kung ang peligrong hatid ng matinding init sa ilang partikular na lugar ay para lamang sa mga tinatawag na ‘fasce deboli’ tulad ng mga matatanda, bata at maysakit, ang mga lugar na ito ay isinasailalim sa orange alert o bollino arancione. 

Ngayong araw, August 10, walong (8) lungsod ang isinailalim sabollino arancioni. Ito ay ang mga lungsod ng Bologna, Brescia, Catania, Frosinone, Latina, Palermo, Perugia at Trieste.

Bukas, Miyerkules, labingtatlong (13) lungsod naman: Bologna, Bolzano, Brescia, Cagliari, Catania, Firenze, Messina, Milano, Napoli, Reggio Calabria, Trieste, Verona at Viterbo.

Ang heat wave, ayon sa ‘iLMeteo.it’ ay hatid ng subtropical anticyclones mula Africa. Ang mainit na hanging papasok sa bansa ay maghahatid nang hanggang sa 28-30 degrees na init at ito ay inaasahang tataas hanggang 47-48 degrees sa South at sa dalawang Isole Maggiori sa pagitan ng Martes August 10 at Huwebes August 12. Ngunit ang mga thermometers ay tataas din sa Centronord: hanggang sa 38 degrees sa Roma, Florence, Bologna.

Gayunpaman, hindi lamang ang taas ng temperatura ang itatala ng heat wave na ito dahil ang tila nagliliyab na init ay mararamdaman hanggang August 15, sa Ferragosto. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Green Pass, kailan pinawawalang bisa?

Green Pass: May pahintulot ang pagsusuri sa dokumento. Ang paglilinaw mula sa Ministry of Interior.