in

Hanggang July 11 bayaran ng kontribusyon sa Inps ng mga colf at mga care givers!

Ang mga employer ay dapat na magbayad ng kaukulang kontribusyon para sa Aprile-June 2011

altBagong mga petsa para sa bayaran ng kontribusyon sa Inps ng mga colf, care givers at baby sitters. Mula July 1 hanggang July 11, ang mga employers ay dapat na magbayad ng kontribusyon para sa tatlong buwang nakalipas, kasama ang halagang nakalaan sa mga manggagawa na maaaring ikaltas na lamang sa kanilang sahod o sweldo.

Ang pagbabayad ay maaaring gawin online sa website ng www.inps.it , mga tobacconists o mga post office. Dapat gamitin ang mga postal bills sa pagbabayad sa mga post office na ipinadala ng tanggapan ng INPS (o  National Institute of Social Security) sa lahat ng mga employer.
 

Ang halaga ng kontribusyon ay nag-iiba ayon sa sahod at oras ng trabaho at maaaring kalkulahin sa pamamagitan ng website www.inps.it.

Para sa karagdagang impormasyonmaaaring tawagan ang toll-free number 803,164.

Imigrasyon at Pensyon, makakabuti sa bansang Italya

PHILIPPINE CONSULATE GENERAL IN MILAN LAUDS DOJ ADVISORY ON DRUG MULES