in

Halagang babayaran ng employer matapos ang aplikasyon ng Regularization, inilathala

Inilathala kahapon sa Official Gazette ang dekreto ng Ministry of Labor and Social Policies na nagtatalaga ng halaga ng kontribusyon o ang tinatawag na ‘contributo forfettario’ na dapat bayaran ng mga employers na simula June 1 hanggang August 15 ay nagsumite ng aplikasyon para gawing regular ang hiring at employment ng mga manggagawa sa pamamagitan ng Regularization process (art. 103, ng D.L. 30/2020). 

Ang halaga na dapat bayaran ng employer kada buwan matapos ang aplikasyon ay nag-iiba batay sa sektor:

  • € 300,00 para sa agrikultura;
  • € 156, 00 para sa assistance to person sector;
  • € 156,00 para sa domestic sector.

Ang pagbabayad ay gagawin sa pamamagitan ng F24, gamit ang codice o code na ibibigay ng Agenzia dell’Entrate. Ang contributo ay mapupunta sa:

  • 1/3 sa State budget, bilang buwis;
  • 1/3 sa Inps, bilang kontribusyon;
  • 1/3 sa Inps, bilang remuneration sa worker. (PGA)

Basahin din:

Covid19 saliva rapid test, resulta sa loob ng 3 minutos

Bagong Contratto Collettivo Nazionale sa Domestic sector, pirmado na. Ang nilalaman.