in

Gaano katagal ang validity ng Green Pass?

Ang Green Pass ay ang Digital Green Certificate na sa kasalukuyan ay isang mahalagang dokumento hindi lamang sa Italya kundi sa Europa. 

Sa Italya, simula ngayong araw, August 6, ang Green pass ay mandatory sa pagpasok at sa dine-in sa mga restaurants. pati sa museum, cinema, theaters, gym, amusement centers at iba pa. Ito ay mandatory din sa mga paaralan at unibersidad at long-distance transport simula Sept. 1. 

Magkakaroon ng Green Pass ang isang indibidwal matapos: 

  • bakunahan ng first dose single dose;
  • makumpleto ng dalawang doses ng bakuna kontra covid;
  • mayroong negative result sa PCR Molecular test o Rapid test;
  • gumaling sa Covid19;

Ang validity ng Green Pass

Ang validity ng Green pass ay iba-iba batay sa uri nito. 

Para sa mga nabakunahan ng first dose, ang Green pass ay maaaring makuha ilang araw makalipas mabakunahan at ito ay balido hanggang sa ikalawang dose.

Sa kasong nakakumpleto na ng dalawang dose, ang Green pass ay makukuha ilang araw makalipas at ito ay balido ng 270 days o halos 9 na buwan mula sa petsa ng huling bakuna.

Sa kasong single dose ang bakuna, ang Certificate ay makukuha ika-15 araw makalipas ang bakuna at balido ng 270 days o halos 9 na buwan.

Sa kaso ng negative result, ang Greenpass ay 48 oras mula sa oras ng Rapid testBalido naman ng 72 oras ang Green pass mula sa oras ng molecular test. 

Sa kaso ng paggaling sa Covid19, ang Certificate ay makukuha sa susunod na araw, at balido ng 180 days o anim na buwan. (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 3.3]

Green Pass, narito ang nilalaman ng bagong decreto

Overseas Absentee Voting, ating alamin!