in

Filipino binugbog matapos pagnakawan ng magkapatid na Moroccan

altPadova – Nakabenda ang binti at sugatan. Binigyan ng walong araw na pahinga. Ito ang tinamo ng negosyanteng Filipino na nagmamay-ari ng Grocery store sa Riviera Businello sa pambubugbog ng magkapatid na Moroccan sa pagnanakaw ng mga ito sa store ng Filipino.

Biyernes ng gabi habang ang Filipino ay nagbababà ng kanyang paninda mula sa van nang mamataan nitong ninanakaw ng magkapatid ang kanyang mga paninda. Pinagtulungan ng magkapatid ang Filipino nang pinigilan ang mga ito sa pagnanakaw at nagmamadaling tumakas pagkatapos.

Ilang minuto lamang ang nakalipas at nahuli ang magkapatid sa pagtatago nito sakay ng isang sasakyan sa Via Orto Botanico.

 

Zanonato: Citizenship sa mga batang ipinanganak sa Italya

Cancellieri at Fornero para sa pamamahala sa migrasyon