in

Filipino arestado sa pananakit sa asawa

altCagliari – Isang matinding karahasan sa pamilya ang naganap kamakailan. Isang Filipino, residente sa Sardinia, ang inaresto dahil sa akusasyon ng karahasan at pananakit sa asawa.

Ayon sa report, isang tawag ang natanggap ng pulisya ng Cagliari mula sa isang Filipina noong Oct 13 bandang 7.00 ng umaga, dahil sa pananakit diumano ng asawa nito sa kanya sa harap ng kanilang menor de edad na anak na lalaki.

Sumugod ang mga pulis sa Via Dante at duon natagpuan ang Filipina, D.M., 34 anyos,  na puno ng pasa dahil sa sakal, sipa at suntok na tinamo mula sa asawa.  Isinugod naman ang Filipina sa emergency sa San Giovanni di Dio Hospital.

Samantala, inaresto agad ang Pilipino, R.A.R., 34 anyos, ng pulisya. Ang kaso ay inumpisahan ilang araw matapos ang agresyon.

PH bags first Sci-Olympiad gold in Italy

Oneri accessori at oneri condominiali ano ang mga ito?