in

February 1, simula ng appointment para sa bakuna ng mga over 80s sa Lazio

appointment bakuna over 80s Lazio Ako Ay Pilipino

Simula February 1 ay magbibigay na ng appointment para sa bakuna laban covid19 sa mga over 80s pataas sa Lazio region.

Ito ay nasasaad sa anunsyo sa website Salute Lazio online.

May pahintulot ang mga miyembro ng pamilya na magpa-schedule gamit ang codice fiscale ng babakunahang matanda. Ito ay sa pamamagitan ng website prenotavaccino-covid.regione.lazio.it.

Sa pagkuha ng appointment para sa unang dosi ay awtomatikong bibigyan na rin ng appointment para sa ikalawang dosi.

Ang pagbabakuna, gayunpaman, ay magsisimua sa February 8, 2021

Magkakaroon ng 85 punti vaccinali at 35 sa city of Rome na hahatiin sa iba’t ibang ASL batay sa laki ng populasyon. 

Ang mass vaccination ng mga over 80s ay aabot sa humigit kumulang na 470,000 sa buong rehiyon ng Lazio.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website Salute Lazio online.

benepisyaryo Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Mga benepisyaryo ng Reddito di Cittadinanza, patuloy na kinokontrol ng awtoridad

unang dose ng Anti Covid19 Vaccine Ako Ay Pilipino

Zumba Mom sa Milan nabigyan ng unang dose ng Anti Covid19 Vaccine