in

Fake insurance online, isiniwalat ng IVASS

Isiniwalat ng Istituto per la Vigilanza sulle Assicurazione o IVASS ang listahan ng mga hindi regular o mga bogus websites na nagbebenta ng pekeng insurance policy. Ang insurance online na binayaran ng mga consumers ay fake at ang mga sasakyan ay nananatiling hindi insured sa rca o responsabilità civile. 

Ang mga websites ay ang sumusunod: 

  • www.agenziacastelli.com;
  • www.genialityassicurazioni.com;
  • www.assicuraconnoi.it;
  • www.new-assicurazioni.com;
  • www.assicurazioneline.com;
  • www.nord-assicura.com;
  • www.assicuriamo-subito.com
  •  www.phenixbroker.com; 
  • www.gamminolorenzo.it

Ayon sa IVASS, bago bayaran ang polizza assicurativa online ay dapat umanong suriin munang mabuti ng mga consumers ang pagiging regular ng kumpanya, ang quotation o preventivo at ang kontrata na inaalok. Dapat ding matiyak kung may authorization bilang intermediary ang nagbebenta ng insurance.

Paalala pa ng IVASS na maging maingat sa mga iniaalok na polizza assicurativa sa pamamagitan ng internet at kahit ng telepono o via WhatsApp. 

Matatagpuan sa website www.ivass.it ang mga listahan ng mga italian at foreign companies na may awtorisasyon sa Italya (elenchi generali ed elenchi specifici per la r. c. auto e la r.c. natanti), ang Registro unico ng mga insurance intermediaries (RUI), ang EU list of Intermediaries; pati na rin listahan ng mga reports ukol sa pekeng insurance, ang mga kumpanyang walang awtorisasyon at mga website na hindi nakakatugon sa regulasyon ng mga intermediaries. 

Bigay-diin ng Ivass na ang payment na ginawa sa pamamagitan ng credit card o debit card ay hindi balido kung ginawa sa mga intermediaries o kumpanya na hindi rehistrado at walang awtorisasyon.

Para sa mga karagdagang impormasyon at paglilinaw, maaaring tumwag sa Contact Center ng Ivass sa numero verde na 800-486661 mula Lunes hanggang Biyernes mula 8:30 sa 14:30. 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Roberto Gualtieri, ang bagong alkalde ng Roma

Certificato Anagrafici, makukuha rin kahit sa Edicola