in

Emergenza caldo: Toll free number itinalaga ng Red Cross

Isang toll free number ang itinalaga ng Red Cross para sa anumang impormasyon, tulong at payo ukol sa matinding init na nararamdaman sa bansa, partikular para sa mga matatanda at mga bata.

Ang mga operators ay magbibigay tugon sa pangangailangan ng mga mamamayan, sa pamamagitan na din ng national network ng Red Cross na may libu-libong mga boluntaryo na handang tumulong sa partikular na sitwasyon sa kasalukuyan.

Ang toll free number 800-065510 ay aktibo 24 oras.

Kaugnay nito, ipinapaalala ni Minister of Health Giulia Grillo na panatilihing nakalaan sa mas malalang sitwasyon ang mga ER o emergency room.

 

Ilang practical tips para manatiling maginhawa pa rin ang pakiramdam ngayong summer

Contributi colf, maaaring bayaran ng mga employer sa pamamagitan ng Sisal pay