in

€ 500 para sa buwan ng Abril at Mayo, nakalaan sa mga colf

Dumating na rin ang pinakahihintay na ayuda para sa mga part-timer na colf na nilalaman ng Dl Rilancio na inaprubahan kagabi ng Konseho ng mga Ministro. 

Para sa mga colf na sa petsa ng Feb. 23, 2020 ay may isa o higit na employment contract na higit sa 10 oras kada linggo, ay kikilalanin ang isang bonus para sa buwan nng Abril at Mayo. Ang bonus na nagkakahalaga ng € 500 kada buwan, ay ibibigay sa kundisyong ang colf ay hindi naka live-in sa employer. 

Gayunpaman, nanatiling naghihintay ng Implementing rules kung paano, kailan at anu-ano ang mga requirements sa pag-aaplay. (PGA)

Regularization, aprubado na!

Survey, inilunsad upang pulsuhan ang mga ahensya ng Gobyerno ng Pilipinas sa Italya