in

Deadline ng Revisione Auto, nilinaw ng Ministry of Interior

revisione auto Ako ay Pilipino

Isang Circular ng Ministry of Interior ang naglilinaw sa extension ng Revisione auto o car revision dahil sa Covid19.

Ang emerhensyang hatid ng Covid19 ay naging sanhi din ng pagbabago ng deadline ng ‘revisione auto’. Isang circular ng Ministry of Interior ang ipinadala sa mga awtoridad ng pulisya at mga prefecture upang linawin ang mga petsa kung kailan obligado ang mga kotse at ibang kategorya na gawin ang ‘revisione’.

Matatandaang ilang beses na extended ang deadline nito dahil sa covid19, mula sa lockdown noong Marso, hanggang sa mga sumunod na extension at bilang resulta ang mga petsa ay nagkaiba-iba at nagbago batay sa buwan ng unang expiration nito. 

Upang maiwasan ang pagkalito, ang Ministry of Interior ay nilinaw ang lahat ng mga extension, kasama na rin ang batas ng Europa at ang mga deadline nito batay sa uri ng sasakyan. Narito ang mga petsa: 

  • Ang mga sasakyan na ang revisione ay nag-expired hanggang July 31, 2020 ay extended ito hanggang October 31, 2020;
  • Ang mga sasakyan na ang revisione ay nag-expired mula August 1, 2020 hanggang September 30, 2020, ay extended ito hanggang December 31, 2020;
  • Ang mga sasakyan na ang revisione ay nag-expired mula October 1, 2020 hanggang December 31, 2020 ay extended ito hanggang February 28, 2021.

Sa EU ang mga sasakyan na ang revisione ay mage-expire mula February 1, 2020 hanggang August 31, 2020 ay maaaring gamitin ang sasakyan sa mga Member State hanggang sa susunod na 7 buwan mula sa unang petsa ng expiration nito.

Ang European extension na ito ay balido lamang sa mga sasakyang ng kategoryang M, N, O3, O4, T5, at hindi kasali ang mga nasa kategorya na L, O1, O2. Samakatwid ang mga motor at motorsiklo na nasa katagorya na L, ay hindi kasama sa international extension. 

Ang Revisione auto o car review ay isang obligasyon na nasasaad sa batas. Ito ay ang masusing inspeksyon na ginagawa sa lahat ng bahagi ng mga sasakyan. Ito ay isinasagawa batay sa edad ng sasakyan: tuwing ika-apat na taon matapos ang pagpaparehistro dito at pagkatapos ay tuwing ikalawang taon. Ito ay ginagawa sa Motorizzazione Civile o sa mga authorized shops. (PGA)

Reddito di Cittadinanza Ako Ay Pilipino

Pagsusuri ng mga ahensya ng gobyerno sa pagtanggap ng Reddito di Cittadinanza, inaprubahan

traze Ako Ay Pilipino

TRAZE Contact Tracing App, dapat i-download ng mga returning Ofws