Dalawang Pinoy snatchers, nahuli sa Milan

altMilan – Sinundan at hinuli noong nakaraang Biyernes , ika-27 ng Enero sa Milan, ng isang abogado at ng dalawang pang tumulong, ang dalawang snatchers sa pagnanakaw ng bag ng isang abogado habang nakasakay ito sa tram. Ang dalawang snatchers, isang may wastong gulang at isang menor de edad ay parehong Filipino na regular sa Italya. Ang dalawa ay hinabol una ng abogadong humihingi ng saklolo na tinulungan naman ng dalawa pa. Ang dalawa ay inabot ng mga humamabol dito na hawak pa ang bag na na-snatched hanggang sa dumating ang pulisya.

Ayon sa pulisya, ang dalawang snatchers ay nilapitan ang abugado, Paula A., isang abogadong sibil sa Milan at 49 na taong gulang na sakay ng tram number  16. Hindi nag-atubili ang mga snatchers na hatakin ang bag ng abugado at sinamantala ang dami ng pasahero at nagmamadaling bumaba ng tram, malapit sa Via Monferrato. Sinabayan ng abugado ang pagbaba ng mga snatchers na Filipino, sabay tawag sa 113. Inabot ng isang concerned citizen, Lanfranco B., may edad na 47, ang nakakatandang snatcher, samantalang ang menor de edad ay inabot ng isa pang tumulong sa abugado ngunit piniling lumayo at hindi mag-iwan ng pangalan.