in

Dalawang Pinoy, dinakip sa sentro

altRome, March 12, 2012 – Patuloy ang ‘pattuglia’ o pagroronda ng PS (Polizia di Stato) sa lungsod ng Roma sa nagdaang weekend. Labing-anim katao ang inaresto sa iba’t-ibang krimen tulad ng falsification, criminal conspiracy, swindle, money laundering at pagbebenta ng bawal na gamot.

Sa kasamaang palad, ayon sa ulat ng mga pulis ng Commissariato Primavalle, dalawa ang Pinoy sa labing-anim na inaresto. Parehong 50 anyos,  ang diumano’y kanilang sinubaybayan ng ilang araw. Ayon pa sa PS, ang dalawa ay sakay ng isang kotse na patuloy na tumatanggap ng mga tawag sa telepono mula sa ilang kabataang Pinoy rin, sa pagitan ng Via Veneto at Piazza Barberini. Ang dalawa ay nahulihan ng 10gr ng shaboo.

UIL: “Point system ng permit to stay, apektado ang mga tapat na imigrante”

Santo Padre, nakiramay sa pagpanaw ni Cardinal Sanchez