in

Covid19 saliva rapid test, resulta sa loob ng 3 minutos

Narito na ang bagong Covid19 saliva rapid test. Ito ay Made in Italy na kayang magbigay ng resulta sa loob lamang ng 3 minutos

Ito ay ang Daily Tampon, nilikha ng isang kumpanya na nakabase sa Brianza sa Merate (Lecco) sa pakikipagtulungan sa University of Sannio.

Ayon sa ulat ng Ansa, ang nasabing test ay inaprubahan na ng Ministry of Health at samakatwid ay maaari ng simulan ang mass production.

Ang Daily Tampon ay isang test tulad ng pregnancy test. Matapos kumuha ng sample na laway gamit ang cotton buds, ilalagay ang huling nabanggit sa isang swab o tampone at maibibigay na ang resulta sa loob lamang ng 3 minutos: dalawang linya kung positibo at isang linya kung negatibo. 

Ang mga unang inaprubahang rapid molecular test na kasalukuyang ginagamit sa mga airports (at drive-ins) ay sa pamamagitan ng likidong galing sa ilong at lalamunan ng tao. (PGA)

Anti-covid19 preventive measures hanggang Oct 7, pinirmahan ni Conte

Halagang babayaran ng employer matapos ang aplikasyon ng Regularization, inilathala