in

Coronavirus sa Italya, pumanaw na ang ikalawang biktima

Pumanaw na rin ang ikalawang biktima ng Coronavirus sa bansa ayon sa ulat ng Ansa ilang minuto pa lamang ang nakakalipas.

Basahin din: Coronavirus sa Italya: 1 patay at 17 ang positibo sa virus

Isang babae, 76 anyos, Italian at residente sa Casalpusterlengo at isa umano sa mga nahawahan ng unang kaso sa Codogno.

Mula 17 (sa unang ulat ng Ako ay Pilipino) ay tumaas na at kasalukuyang may 29 ang bilang ng mga nag positibo sa test ng coronavirus sa Lombardy at Veneto region, ayon pa rin sa Ansa.

Samantala, kaki-kabila naman ang panawagan ng Filipino Community sa North Italy sa Philippine Consulate General sa Milan ukol sa emerhensya sa North Italy.

Ayon sa ISTAT, ang mga Pilipino (hanggang Enero 2019) sa Lombardy region ay tinatayang 58.408 at sa Veneto region ay 6.662 sa kabuuang bilang ng mga Pilipino na 168.292 sa bansang Italya. (PGA)

Coronavirus sa Italya: 1 patay at 17 ang positibo sa virus

Mga Dapat Malaman ukol sa Covid-19