in

Contributi colf, maaaring bayaran ng mga employer sa pamamagitan ng Sisal pay

Narito ang bagong paraan ng pagbabayad ng kontribusyon sa domestic job. Ang contributi colf ay maaari na ring bayaran sa mga sa mga bar, giornalaio at mga tabacchi sa pamamagitan ng Sisal Pay.

Ang nalalapit na duedate sa pagbabayad ng ikalawang hulog ng kontribusyon ng mga colf simula July 1 hanggang July 10, ay maaaring bayaran ng cash o gamit ang bancomat sa pamamagitan ng bagong pamamaraan.

Ang bagong serbisyo na sinimulan noong nakaraang June 10, ay isang pagpapagaan sa pagbabayad ng kontribusyon para sa mga employers sa tinatayang 32,000 shops na may Sisal pay.

Hindi kakailanganin pa ang pagpapakita ng anumang bollettino. Ibigay lamang sa operator ang sumusunod:

  • Codice fiscale
  • Codice del rapporto di lavoro

Ang huling nabanggit ay matatagpuan sa denuncia del lavoro domestico at maging sa mga bollettini na ipinapadala ng Inps at ginagamit sa pagbabayad sa posta.

Dalawang resibo ang ibibigay matapos magbayad: isang kopya para sa employer at ang isa ay para sa colf.

Kaugnay nito ay nananatiling balido at epektibo ang ibang pamamaraan ng pagbabayad.

Basahin rin:

Paano babayaran ang kontribusyon sa Inps?

 

Emergenza caldo: Toll free number itinalaga ng Red Cross

Bukod sa ‘contributi’ ay kailangan ding bayaran ng employer sa Inps ang Cassa Colf, ano ito?