in

Call Center, para sa bakuna kontra Covid19 ng mga dayuhang walang codice sa Lombardia

Simula ngayong araw, Lunes July 26, 2021, ang mga dayuhang walang sapat na dokumentasyon tulad ng codice fiscale, codice STP o tessera sanitaria ay maaari nang magpa-book ng bakuna kontra Covid19 sa rehiyoon ng Lombardia, sa pamamagitan ng toll free number 800894545.

Ang call center, ayon kay Assessor at Vice Presidente ng Lombardia Letizia Moratti, ay magbibigay sa mga mamamayan ng isang personal code na magpapahintulot sa pagbook online o sa pamamagitan ng call center. 

Ang rehiyon ng Lombardia ay nakapagturok na ng 11,458,005 dosis ng bakuna kontra Covid19 at nakapagtala ng pagtaas ng 95,334 dosis. 

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 2]

Walang SPID? Narito kung paano magkaroon ng Green Pass

Unang gold medal ng Pilipinas sa Olympic Games, nakamit ni Hidilyn Diaz