in

Buoni Spesa sa Comune di Roma, simula na ng aplikasyon mula March 31

Simula March 31 hanggang April 16 ay maaaring magsumite ng application para matanggap ang Buoni Spesa sa Comune di Roma.

Ang mga beneficiaries  ay ang mga pamilyang higit na naapektuhan, maging ang pinansyal na sitwasyon sanhi ng kasalukuyang emerhensya. Upang matugunan ang lahat ng mga pangangailangan ay bibigyan ng priyoridad ang mga pamilya na hindi tumatanggap ng anumang tulong pinansyal mula sa gobyerno. Kahit ang mga hindi residente sa Comune di Roma ay may pagkakataon ring matanggap ang buoni spesa.

Ito ay matatanggap sa pamimili ng food supplies sa iba’t ibang halaga:

  • Hanggang € 300 para sa mga pamilya na may 1 hanggang 2 miyembro
  • Hanggang € 400 para sa mga pamliya na may 3 hanggang 4 na miyembro;
  • Hanggang € 500 para sa mga pamliya na may 5 o higit na miyembro

Ang aplikasyon ay maaaring isumite ng isang miyembro ng pamliya lamang sa pamamagitan ng email. 

I-click para sa application.

Narito ang mga email address ng bawat Munisipyo sa Roma: 

Gayunpaman, ang Munisipyo ay gagawin ang mga kinakailangang pagsusuri.

Job Displacement Monitoring System ng POLO OWWA Roma at Milan, narito ang mga official links

Lockdown sa Italya, extended hanggang April 13