in

Buntis na Pinay, inagawan ng bag

Makalipas ang isang araw matapos ang krimen ay natagpuan ng biktima ang snatcher sa loob mismo ng himpilan ng pulis.

altRome, Abril 11, 2012 – Isang nagdadalang taong Pinay, 29 anyos, ang inagawan ng bag noong nakaraang Linggo, Pasko ng Pagkabuhay. Bandang alas onse ng gabi sa Via Pomeria Prato,  isang lalaking nakasakay sa bisikleta ang humablot ng bag ng Pinay. Sa lakas ng pwersa ng paghablot ay nakaladkad ang Pinay sa kalsada. Mabilis namang sumaklolo ang mga pulis at sinugod ng ambulansya sa ospital ang biktima. Dalawampung araw ang ibingay na recovery period sa Pinay.

Makalipas ang isang araw, nagtungo ang Pinay sa Questura upang isalaysay ang buong pangyayari. Sa hindi inaasahang pagkakaton, ay nakasalubong nito ang snatcher ng kanyang bag sa loob mismo ng himpilan ng pulisya. Ito diumano ay inaresto matapos na agawan rin ng bag ang isang Chinese.

Hindi nag-atubili ang Pinay na ituro ang snatcher, isang Moroccan, 17 anyos at napag-alamang kalalabas lamang ng bilangguan noong nakaraang Enero 12 at walang permit to stay.

Ayon sa report, bandang alas tres ng tanghali ng Easter Monday ng biktimahin ng Moroccan ang isang Chinese sa Porta Pistoiese habang kasalukuyang nagpapatrol ang mga pulis. Namataan ng mga pulis ang mga pangyayari at mabilis na inaresto at kinasukan ang snatcher at dinala sa detention home ng Firenze.

Walang ligtas sa buwis ng permit to stay, maging ang duplicate nito

Ang mga electronic appliances ng isang balikbayan ay may babayaran bang custom duties and taxes?