in

Booking ng bakuna kontra Covid19 ng mga over-50s, simula May 10

Nagbigay na ng go-signal para sa booking ng bakuna kontra Covid19 para sa mga over-50s

Ayon sa tanggapan ni Emergency Commissioner Francesco Figliuolo simula sa Mayo 10, ang mga ipinanganak mula 1962 hanggang 1971 ay maaari nang magpa-book ng bakuna. 

Kasabay nito ay binigyang-diin din na “ang pagbubukas na ito sa mga over-50s ay dahan-dahan at batay sa maayos na takbo ng vaccination campaign sa bansa na nagsimula sa mga over-80s at may karamdaman o kapansanan“, tulad ng nasasaad sa ordinansa n. 6 ng April 9, 2021. 

Gayunpaman, sa booking ay kailangang isaalang-alang at bigyang prayoridad pa rin ang mga person with comorbidities, at ang mga itinuturing naimmunocompromise na hindi pa nababakunahan. 

Narito ang mga link ng mga official website para sa booking ng bakuna kontra Covid online sa bawat rehiyon 

Abruzzo, Basilicata, Campania, Calabria, Emilia Romagna, Friuli Venezia Giulia, Lazio, Liguria, Lombardia – I-click lamang ang link sa ibaba.

Marche, Molise, Piemonte, Puglia, Sardegna, Sicilia, Toscana, PA di Bolzano, PA di Trento, Umbria, Valle d’Aosta, Veneto – I-click lamang ang link sa ibaba.

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Pinoy pusher, huli sa akto!

Italyano, biktima ng “online love affair”