in

Bonus Vacanze, extended hanggang June 2021

bonus vacanze Ako ay pilipino

Extended ang validity ng bonus vacanze. Ito ay ang magandang balita na nasasaad sa decreto Ristori. 

Samakatwid, ang sinumang hindi pa nagagamit ang bonus vacanza, ay may pagkakataong magamit ito hanggang June 2021. 

Matatandaang ang bonus vacanze ay tumutukoy sa € 500 voucher na nasasaad sa decreto Rilancio noong Mayo upang muling ilunsad ang turismo sa bansa matapos ang ilang buwan ng lockdown at matulungang maitaguyod muli ang sektor na higit na apektado ng pandemya. Ang bonus ay nakatalagang magamit hanggang bago magtapos ang taong 2020.

Kaugnay nito, tulad ng unang inilathala, nasasad din sa decreto Ristori na ang sinumang hindi nakapag-aplay noon ay maaaring mag-aplay hanggang December 31, 2020, sa parehong kundisyon noong una. 

Maaaring mag-aplay ang isang miymebro ng pamilya, para sa buong pamilya. Nananatili rin ang mga unang itinalagang halaga nito:

  • € 150,00 para sa pamilya na may isang miyembro lamang;
  • € 300,00 para sa pamliya na may 2 miyembro;
  • € 500,00 para sa pamliya na may 3 o higit pang miyembro. 

May nalalabing 4 na linggo pa ang mga pamilya na mayroong itinakdang halaga ng ISEE upang makapag-aplay hanggang December 31, 2020. (updated PGA)

Basahin din:

Nobyembre 30 – Bonifacio Day

kit-postale-ako-ay-pilipino

Coesione familiare, ano ito at paano ang mag-aplay