in

Bonus TV 2021, paano at sino ang maaaring mag-aplay?

Nalalapit na ang pagpapalit sa new digital terrestrial broadcasting standards o ang switch mula sa DVB T1 sa DVB T2. Ito ay nangangahulugan na milyung milyong mga mamamayan sa Italya ang kailangang magkaroon ng angkop na telebisyon o ang kailangang magkaroon ng bagong decoder. 

Ang magandang balita ay ang bonus rottamazione TV 2021 na magpapahintulot sa pagbili ng bagong telebisyon at decoder, sa pamamagitan ng bonus, na nagkakahalaga ng hanggang €100,00 hanggang December 2022. 

Bukod dito, ang bagong bonus TV ay walang limitasyon sa ISEE at samakatwid ay maaaring mapakinabangan ng maraming mga pamilya. 

Ang DVB T2

Ang DVB T2 o ang Digital Video Broadcasting — Second Generation Terrestrial ay ang esklusibong format standard na gagamitin sa Italya simula July 2022. Ang bagong sistema ay higit na malakas kaysa sa First Generation Terrestrial na ganap na magsi-switch off sa nabanggit na petsa.

Gayunpaman, ang switch off ay unti-unting magaganap.

  • September 1 2021 – December 31, 2021 – ang switch off ay magaganap sa Valle d’Aosta, Piemonte, Lombardia (maliban sa provincia di Mantova, Piacenza, Trento, Bolzano); Veneto, Friuli Venezia Giulia, Emilia Romagna (maliban sa provincia di Piacenza). 
  • January 1, 2022 – March 31, 2022 – ang switch off ay magaganap sa Liguria, Toscana, Umbria, Lazio, Camoania, Sardegna. 
  • April 1, 2022 – June 20, 2022 – Sicilia, Calabria, Puglia, Basilicata, Abruzzo, Molise at Marche.

Paano matatanggap ang Bonus TV 2021 na nagkakahalaga ng € 100,00? 

Para matanggap ang Bonus TV ay kailangang palitan ang lumang tv na binili bago ang taong 2018. Bukod dito ang bagong tv ay kailangang nasasaad sa listahang ito mula sa website ng MISE. 

Ang maximum na halaga ng bonus ay € 100,00 at ito ay ang 20% ng bagong bibilhing telebisyon. 

Halimbawa: Kung ang bagong telebisyon ay nagkakahalaga ng €300,00, ang discount at € 60,00 (ang 20% ng € 300). Tandaaan na ang maximum na halaga ng bonus ay € 100,00 lamang at para sa mga telebisyon na ang halaga ay higit sa €500, ang bonus ay nananatiling € 100,00 lamang. 

Tulad ng nabanggit, upang matanggap ang bonus ay kailangang palitan ang telebisyon. Maaari itong iiwan sa shop kung saan bibili ng bago (ang ipinapayo) o ang dalhin sa authorized na tapunan, ngunit sa kasong ito ay kailangang humingi ng isang deklarasyon bilang pagtugon sa requirement ng bonus. 

At mahalagang ang pamilya ay regular sa pagbabayad ng Canone RAI upang matanggap ang bonus. 

Ang gobyerno ay may 250M pondo para sa bonus TV 2021. Matapos ang paglalathala ng decreto sa Official Gazzette, ay kailangang lumipas ang 15 hanggang 20 araw sa pagpapatupad nito. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 2 Average: 5]

Bonus rottamazione TV 2021, aprubado na!

Prutas na Pakwan, narito ang mga benepisyo