in

Bonus Trasporto, aplikasyon simula September 2022

Magsisimula sa September ang aplikasyon ng bonus trasporto na magkakahalaga ng hanggang maximum na €60,00. Ito ay maaaring magamit sa yearly o monthly subscription sa mga pampublikong sasakyan makalipas ang summer season. 

Ang nabanggit na bonus ay nasasaad sa Decreto Auiti (DL n. 50 ng May 17, 2022) at itinalaga ng Ministry of Labor and Social Policies, kasama ang mga Ministries of Economy and Finance and Infrastructure. “Ito ay isang tulong para sa mga mag-aaral, manggagawa, pensiyonado, para sa lahat ng mga mamamayang gumagamit ng pampublikong sasakyan, na susubukan naming gawing modelo para din sa susunod na taon“, deklarasyon ng Minister of Labor, Andrea Orlando.

Ang bonus ay nagkakahalaga ng 79 milyong euros at ito ay nakalaan sa isang milyong public transportation users. Ang sinumang hindi lalampas sa € 35,000 ang kabuuang kita sa taong 2021 ay makakapag-aplay hanggang sa Decembre 31, 2022 sa pamamagitan ng website www.bonustrasporti.lavoro.gov.it (na magiging aktibo sa pagsisimula ng aplikasyon) ng Ministry of Labor and Social Policies, gamit ang Spid o CIE o Carta d’identità elettronica. 

Ang voucher na ibibigay sa pamamagitan ng website ay maaari lamang gamitin sa isang kumpanya ng transportasyon, sa loob ng buwan kung kailan ito inisyu. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 4 Average: 5]

permesso-lungo-soggiornanti-ako-ay-pilipino

Anong uri ng permesso di soggiorno ang kailangan upang matanggap ang Assegno Unico Universale 2022?

Inps contact center Ako Ay Pilipino

Assegno Unico Universale, sa INPS mobile app