in

Bonus Spesa 2022, kumpirmado na sa ilang Comune 

Buoni Spesa

Dahil sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa bansa, kinumpirma ulit ng ilang Comune sa Italya ang pagbibigay ng Bonus Spesa 2022 sa mga pamilya. Ito ay nagkakahalaga mula € 250,00 hanggang € 750,00 kada pamilya.

Ang mga Comune ang nagbibigay ng Bonus Spesa 2022

Tulad sa nakaraan, walang listahan ng mga Comune ang matatagpuang nagbibigay ng parehong requirements o pamamaraan ng pag-aaplay at pagbibigay ng nabanggit na bonus. 

Ang pinaka mabisang paraan upang hindi makaligtaan ang pagkakataong matanggap ang bonus ay ang subaybayan ang official website ng sariling Comune o ang makipag-ugnayan sa URP o Ufficio Relazioni con il Pubblico. Sa katunayan, obligado ang mga Comune na ilabas ang mga mahahalagang komunikasyon para sa populasyon batay sa batas sa transparency.

Sa kasalukuyan, ang Comune di Trivento sa provincia di Campobasso, sa Molise ay maaaring mag-aplay ng bonus spesa hanggang sa katapusan ng buwan ng July 2022. 

Sa Piacenza, Milano at mga pangunahing lungsod sa North Italy ay maaari na ring mag-aplay ng bonus spesa. 

Sa ilang Comune ng Liguria, Emilia Romagna at Lombardia ay sinimulan na rin ang aplikasyon para sa bonus spesa 2022. 

Samantala, sa Comune di Arcola, sa provincia ng La Spezia ay maaaring mag-aplay ng Carta Auguri mula July 1 o ng Carta Nuovi Nati na nagkakahalaga ng € 150 hanggang € 200 para sa mga pamilya na ang ISEE ay hindi lalampas sa €12,000. 

Karaniwang ang Bonus Spesa mula sa Comune ay nagkakahalaga mula € 250,00 hanggang € 750,00 kada pamilya. Ito ay batay sa ‘bando’ ng Comune sa pagbibigay ng bonus na karaniwang ayon sa ISEE, bilang ng miyembro at kakayahang pinansyal ng pamilya. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 6 Average: 4.2]

Fake signature bags, kumpiskado sa Pinoy sa Cagliari

Blacklisted sa Schengen? Narito ang mga dapat malaman.