in

Bonus mobilità, magbubukas ulit! Registration simula Nov. 9

ako-ay-pilipino

Maaari pa ring matanggap ang bonus mobilità o bonus bici ng mga hindi nagkaroon ng posibilidad makapag-aply noong nakaraang click day kung saan 215M ang inilaan ng DL Rilancio. 

Ito ang inanunsyo ni Minister of Environment Sergio Costa matapos maubos agad ang inilaang pondo sa loop lamang ng isang araw.

Simula November 9 hanggang December 9, ang sinumang hindi pinalad na maka-access sa www.buonomobilita.it ay binibigyan muli ng pagkakataon na mag-register sa website“. 

Ayon sa isang komunikasyon mula sa Ministry, simula December 10 ay may posibilidad na makatanggap ng bonus ang mga mayroong fattura o scontrino parlante na hindi nakapag-aplay noong nakaraang click day. (PGA)

Basahin din:

ako-ay-pilipino

Zona Gialla: Narito ang mga maaari at hindi maaaring gawin.

Multa hanggang € 560 sa sinumang lalabag sa bagong DPCM