in

Bonus € 200 para sa mga colf at caregivers, ang paglilinaw ng Inps 

Nilinaw ng Inps, ang National Social Security Institute ng Italya ang mga requirements, aplikasyon at panahon ng pagtanggap ng benepisyo ng mga colf at caregivers. 

Naglabas ang INPS ng implementing rules ukol sa bonus € 200 para sa mga colf at caregivers na nasasaad sa talata 8 artikulo 32 ng Decreto Aiuti

Requirements ng Bonus €200 sa domestic job

Ang benepisyo ay HINDI direktang ibibigay ng employer. Ang domestic worker ay dapat magsumite ng aplikasyon sa INPS. Para maging kwalipikado, dapat matugunan ng worker ang ilang requirements: 

  • Ang pagkakaroon ng isa o higit pang trabaho bilang domestic worker (o rapporto di lavoro) bago ang petsang Mayo 18, 2022;
  • Ang employment contract ay kailangang aktibo sa Gestione INPS ng mga domestic workers.

Bukod dito, sa oras ng aplikasyon, ay hindi dapat tumatanggap ng:

  • Anumang uri ng pensyon;
  • Trabaho na hindi domestic job.

Para matanggap ang bonus €200 euro, ang sariling sahod o kita sa taong 2021 ay hindi dapat lalampas sa € 35,000.

Excluded o hindi kasama sa kalkulasyon ng sahod ang mga sumusunod:

  • TFR o separation pay;
  • ANF o assegni familiari;
  • Assegno Unico 

Aplikasyon ng Bonus €200 sa domestic job

Para matanggap ang bonus €200, tulad ng nabanggit, ay dapat magsumite ng aplikasyon. Maaari itong gawin nang direkta sa pamamagitan ng website ng Inps o sa pamamagitan mga pinagkakatiwalaang Patronato.

Ang aplikasyon ay maaaring gawin mula June 20 hanggang September 30, 2022. Sa aplikasyon, ay maaaring tukuyin ang paraan kung paano nais matanggap ang benepisyo, tulad ng:

  • bank/postal transfer; 
  • credit sa postal booklet/passbook;
  • cash sa post office (o bonifico domiciliato).

Ang pagtanggap ng bonus € 200 ay magaganap matapos maproseso ang aplikasyon. 

Ang implementing rules and regulations ay napapaloob sa INPS Circular no. 73 ng 24 June 2022. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 7 Average: 3.6]

Maximum heat alert sa 19 na lungsod sa Italya 

Dichiarazione dei redditi sa domestic job: modello 730/2022 o modello Redditi Pf?