in

Bonus Cultura 2021: halos 100,000 aplikasyon sa loob ng 3 araw lamang

Hanggang 5pm ng April 3, tatlong araw mula ng nagsimula ang aplikasyon ay umabot na sa halos 100,000 libo (94.699) ang mga aplikante ng bonus cultura, na nagkakahalaga ng halos € 5.680,000. 

Ang bonus cultura ay nakalaan sa mga kabataang ipinanganak ng taong 2002 at nag-18 anyos noong 2020. 

Ang bonus cultura ay nagkakahalaga ng € 500,00 e-voucher na maaaring magamit ng mga kabataan hanggang Feb. 28, 2022 para sa kultura halimbawa sa pagbili ng libro, ticket para sa museum, theaters at ngayong taon ay maaaring gamitin para sa subscription ng mga newspapers at magazines. Hanggang August 31, ay maaaring makapag-aplay ang mga kabataan.

Upang matanggap ang bonus, ay kailangang gamitin ang App, 18app2020

Gamit ang SPID ang aplikante ay makakapag-register sa App at samakatwid, ay magagawa ang aplikasyon.

Ang mga kabataan na residente sa Italya at sa Pilipinas ipinanganak ay maaari pa ring mag-aplay at makatanggap ng bonus kung: 

  • mayroong regular at balidong permesso di soggiorno, 
  • ipinanganak noong 2002.

(PGA)

Kulay ng mga Rehiyon simula April 6, 2021

Bonus colf e badanti 2021 ng Regione Lazio, simula na ng aplikasyon! Narito kung paano.