in

Bonus Colf e Badante, matatanggap na ng mga domestic workers

bonus colf e badante

Matatanggap na ng unang 100,000 aplikanteng domestic workers ang € 1000 na bonus colf e badante, hatid ng DL Rilancio.

Ito ay ayon sa isang post sa Twitter account ni Minister of Labor Nunzia Catalfo kahapon. 

Sa mga oras na ito ay sinisimulan na ng Inps ang proseso sa pagbibigay sa unang 100,000 aplikante ng bonus colf e badante”.

Ang ayuda, na nagkakahalaga ng € 1000 (€ 500 para sa buwan ng Abril at € 500 para sa buwan ng Mayo) ay nakalaan sa mga part-timers na domestic workers na sa petsa ng February 23, 2020 ay may isa o higit na employment contract na higit sa 10 hrs per week.

Ang pondong inilaan ng gobyerno ay 460M at hanggang sa kasalukuyan ay humigit kumulang 208,000 ang mga alikasyong natanggap, ayon sa Inps. May pagkakataon pa para sa mga kwalipikado na hindi pa nakakapag-aplay. 

Paano? Simple lamang! Sa pamamagitan ng website ng Inps, gamit ang SPID, PIN, CIE o CNS. Maaari ring lumapit sa patronato. (PGA

Bonus Vacanze, paano at sino ang maaaring mag-aplay?

ferie

Ferie nagamit na dahil sa Covid-19, ano ang dapat gawin ng colf?