in

Bonus bollette 2022, mas dadami ang makakatanggap 

Sa pamamagitan ng Decreto na inaprubahan ng Konseho ng mga Ministro noong nakaraang Biyernes at inilathala noong March 22 sa Official Gazette, mas dadami ang makakatanggap ng bonus bollette ngayong 2022. Higit 5 milyong pamilya sa Italya  ang makaka-access sa bonus elettricità at bonus gas, na magpapahintulot na makatanggap ng diskwento sa house bills.

Basahin din: Ano ang nasasaad sa Decreto Energia?

Sa katunayan, pinalawak pa ng inaprubahang dekreto ang mga beneficiaries ng nabanggit na bonus, dahil itinaas ang ISEE hanggang €12,000 para sa panahon ng April 1 hanggang Decembre 31, 2022 (sa halip na € 8.265 kumpara noong nakaraang taon). 

Upang matanggap ang diskwento sa house bills o ang tinatawag na bonus bollette, ang proseso ng pag-access sa social bonus ay awtomatiko, dahil ito ay batay sa National Integrated Information System. Sapat na ang gawin ang DSU o Dichiarazione Sostitutiva Unica upang magkaroon ng ISEE

Ang DSU ay maaaring gawin online sa website ng INPS (sa pamamagitan ng pag-access sa area personals MyINPS) o sa pamamagitan ng mga Tax Assistance Center (CAF). Ipinapaalala na sa pamamagitan ng online “ISEE precompilato” ay posible ring makuha ang precompilato DSU.

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 1 Average: 5]

Green pass at mandatory Covid vaccination, mga pagbabago simula April 1

ISEE Ako Ay Pilipino

Mababa ang ISEE? Narito ang mga benepisyong matatanggap