in

Bonus bebè, hanggang 2018 na lang

Hanggang 2018 na lang ang bonus bebè. Ito ay ang tulong pinansyal batay sa ISEE na nagkakahalaga ng € 960 kada taon.

Ayon sa ulat ng Ansa, ang natatanggap na € 90 buwan buwan ng mga pamilya ay mahihinto na dahil sa kawalan ng renewal nito sa legge di Bilancio para sa taong 2019. Ito ay aprubado lamang hanggang sa taong 2018.

Ang benepisyo ay sinimulan noong 2015 at ang bonus at inilaang matanggap sa unang tatlong buwan ng mga sanggol na ipinanganak mula Jan 1, 2015 hanggang Jan 31, 2017. Sa kasamaang palad, ito ay na-renewed lamang para sa mga ipinanganak ng 2018 at sa unang taon ng sanggol na lamang.

 

 

 

Panlilimos at pangongotong sa parking, nilalaman din ng Decreto Salvini

Kuwait Airways: Mula Oct 29, 2018: 3 flights linggo-linggo sa Manila mula Milan Malpensa, via Kuwait City