in

Bangkay, natagpuan di kalayuan sa bahay ni Nanay Doring

altIsang bangkay ang natagpuan isang araw bago ganapin ang prayer rally sa pagkawala ni Nanay Doring.

Roma, Marso 29, 2012 – Ngayong araw na ito, ika-29 ng Marso ay gaganapin ang prayer rally at isang misa bilang paggunita sa ika-isang buwang pagkawala ng Nanay Doring, sa ganap na ika-lima ng hapon sa Our Lady of Guadalupe Parish sa  Monte Mario, Roma.

Sa mga oras ding ito (habang sinusulat ang balitang ito) ay napag-alaman ng akoaypilipino.eu na kahapon ng hatinggabi ay natagpuan ang isang bangkay di kalayuan sa tahanan ni Nanay Doring. Kasalukuyang iniimbistigahan ng awtoridad at kinikilala ang bangkay kung sya ba o hindi ang isang buwan ng nawawalang si Nanay Doring.

Gayunpaman, sa isang panayam kay Gina Marasigan ng akoaypilipino.eu ay kinatatakutan nyang sya na ang hinahanap na ina.

Gayunpaman ay inaanyayahan ang lahat ng mga mahal sa buhay ni Nanay Doring at mga organizers sa gaganaping prayer rally mamayang hapon.

Pinoy fashion designer, unti-unti’ng sumisikat ngayon sa Milan

Ano ang CUD at paano ginagawa ang tax return para sa mga empleyado