in

Bakuna laban Covid19, ang plano at ang dosis bawat Rehiyon

Bakuna laban Covid19 sa Italya Ako ay Pilipino

Aprubado ang vaccination plan na inilahad ni Emergnecy Commissioner Domenico Arcuri kamakailan. “Sa mga unang araw ng Enero ay magsisimula ang mass vaccination”. Ang Commissioner ay magpapadala ng tila instructions para sa bakuna at bago magtapos ang linggong ito ang mga indikasyon para sa proseso ng pagbabakuna. Magpapadala ng 90% ng mga requested doses dahil kinalkula na hindi magpapabakuna ang 100% ng mga health staffs.

Ang unang 1.833,975 na dosis ay hahatiin sa mga rehiyon:

Abruzzo – 25,480

Basilicata – 19,455

Calabria – 53,131

Campania – 135,890

Emilia Romagna – 183,138 

Friuli VG – 50,094

Lazio – 179,818 

Liguria – 60,142 

Lombardia – 304,955 

Marche – 37,872

Molise – 9,294

 PA Bolzano – 27,521 

PA Trento – 18,659 

Piemonte – 170,995 

Puglia – 94,526 

Sardegna – 33,801 

Sicilia – 129,047 

Toscana – 116,240 

Umbria – 16,308

 Valle d’Aosta – 3,334 

Veneto – 164,278

Inaasahan na mababakunahan laban Covid19 ang mga unang Italians makalipas ang Pasko at sa pagpasok ng bagong taon kung ang EMA ay magbibigay ng pahintulot sa Dec 21 at hindi sa Dec 29 tulad ng unang inanunsyo. Ito ang naging kahilingan ni Health Minister Roberto Speranza, kasama ni European Commission President Ursula von der Leyen na nag-anunsyo na marahil ang mga unang Europeans ay mababakunahan bago magtapos ang taon. Sa mga susunod na oras ay itatalaga ng Europa ang bilang ng mga unang babakunahan sa Vaccine day, o ang simbolikal na araw ng pagbabakuna, batay sa bilang na maibibigay ng Pfizer.

Ang bakuna ay isang malaking hamon sa mga susunod na buwan” ayon kay Roberto Speranza. “Isang magandang balita ang pagkakaroon ng epektibong bakuna. Kasama ang ibang mga Health Ministers ng 7 European countries, kasama ang France at Germany na simulan ang bakuna ng Disyembre. Kailangan pa rin ang pag-iingat sa mga susunod na buwan, hanggang hindi pa natin naaabot ang sapat na coverage ng bakuna”, pagtatapos ni Speranza. 

Basahin din:

Ako ay Pilipino

Populasyon ng mga dayuhan sa bansa mula 2011-2019, umabot sa 1 milyon

tredicesima Ako Ay Pilipino

Tredicesima, kailan ibinibigay? Paano kung hindi ito matanggap?