in

Bakuna kontra Covid19 sa mga Medici di base at mga Pharmacies sa Lazio

May pagbabago sa booking para sa appointment ng bakuna kontra Covid19 sa Lazio. 

Simula May 17, ay maaaring magpa-book direkta sa mga Medico di base, gamit ang parehong platform ng SaluteLazio. Ito ang naging kasunduan sa pagitan ng Regione Lazio at Federazione dei Medici di Famiglia di Lazio. 

Ang gagamitin sa pagtuturok ay ang mga bakunang Pfizer, Astrazeneca, Moderna at Johnson & Johnson. Ang pipili ng bakuna ay hindi ang babakunahan bagkus ng medico di base na magbabakuna. 

Sa kasalukuyan, 2962 ang mga medici di base na nakikiisa sa bagong programa na inaasahang dadami pa sa mga susunod na araw. 

Hindi dito nagtatapos ang mga pagbabago. Simula May 20, ay maaari na ring magpa-book ng bakuna sa mga Pharmacies. Sa pamamagitan ng platform ng Salute Lazio. At simula May 24 ay magsisimula ang pagtuturok gamit ang Johnson & Johnson sa mga under 50s.  (PGA)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

STP, ang health code para sa mga undocumented sa Italya

Naghihintay ng Regularization, maaari bang magpabakuna kontra Covid19 sa Italya?