in

Bagong website para Italian citizenship, online na

Online na ang bagong website ng Ministry of Interior para sa mga aplikasyon para sa italian citizenship. 

https://portaleserviziapp.dlci.interno.it/AliCittadinanza/ali/home.htm

Ito ay magpapahintulot sa mga makabagong paraan ng teknolohiya sa pangangalaga ng mga datos. 

Ang access sa website ay tanging sa pamamagitan lamang ng SPID

  • Pagsusumite ng aplikasyon;
  • Upang malaman ang estado ng aplikasyon. 

Narito kung paano magsusumite ng aplikasyon online

Pagkatapos makapasok sa website sa pamamagitan ng SPID, sa menu CITTADINANZA, ‘la mia domanda di cittadinanza’ ay makikita ang iba’t ibang form na kailangang gamitin. 

  • Modello A – Ito ay para sa application ng Citizenship by Marriage.
  • Modello B – Ito ay para sa application ng Citizenship by Residency. 

Para sa mga aplikante na nagsumite na ng aplikasyon at nais malaman ang estado nito, ay kailangang gawin ang mga sumusunod: 

  • Associa Pratica. Para sa mga aplikasyon, mga dokumento at datos na naisumite na online;
  • Comunicazioni/Stato Pratica. Para sa mga aplikante na nagawa na ang primo accesso at associa pratica.

Naglagay din ng mga telephone numbers sa mga nais tumawag at magfolow-up, magtanong at humingi ng karagdagang impormasyon.

  • 06/46539955 – Monday at Wednesday 10am-12pm
  • 3346909996 – Wednesday
  • 3346909859 – Friday

Tandaan na ang bagong website ay aktibo mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8am hanggang 8pm lamang. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

Ako ay Pilipino

Pagbabakuna sa Italya, maantala!

Dark red high risk Ako Ay Pilipino

Dark red, ang bagong kulay sa EU na naglalarawan ng high risk