in

Bagong Autocertificazione, simula May 18 sa paglabas ng Rehiyon

Hindi na nangangailangan ng Autocertificazione sa sirkulasyon sa sariling Rehiyon ngunit ito ay nananatiling kailangan sa paglabas mula dito. 

Muling pinalitan ang Autocertificazione na ipakikita sa awtoridad simula May 18, 2020. Ang bagong autocertificazione ay esklusibong gagamitin lamang sa paglabas ng Rehiyon, habang ito ay hindi na kakailanganin sa sirkulasyon sa loob ng Rehiyon kung saan naroroon.

Nananatiling 4 ang pangunahing dahilan ng paglabas ng Rehiyon: trabaho, pangangailangan, emerhensya at kalusugan.

Hindi pa rin maaaring bisitahin ang mga ‘congiunti’ sa labas ng sariling Rehiyon at ito ay maaaring gawin simula sa June 3, 2020. 

Permesso di Soggiorno, nag-expired habang lockdown sa Pilipinas. Kakailanganin ba ang re-entry visa sa pagbalik sa Italya?

Regularization, nasa Official Gazette na!