in

Bagong app Migreat – Stranieri in Italia, online na!

Legal guides, porum kasama ang eksperto sa imigrasyon, libreng legal consultation, chat sa iba pang mga miyembro ng komunidad at marami pang iba.

Ito ang nilalaman ng bagong app Migreat – Stranieri in Italia, isang mahalagang instrumento – na maaring i-download sa mga Android devices. Ito ay nilikha upang makatulong sa integrasyon ng mga imigrante at bagong mamamayan ng Europa, na hinaharap ang hamon ng mga bagong paraan ng pamumuhay. 

Salamat sa makabagong teknolohiya, ay makakatulong ito na malutas ang mga mahihirap na suliranin sa maikling panahon kumpara sa maghapong paghahanap ng katugunan sa mga tanggapan. Sa katunayan, ilang taon na, na may malaking interes sa mga app na nakakatulong sa mga migrante na harapin ang hamon ng isang bagong simula sa isang bansang hindi kilala. At mula rito, ang Stranieri in Italia ay tinanggap ang hamong ito at gumawa ng panibago, mula sa dalawampung taong karanasan sa pagbibigay ng impormasyon at pagiging gabay ng maraming mga dayuhan sa Italya.

Maituturing na maliit o bago pa lamang, ngunit ang malaking rebolusyon ay ang posibilidad na makatanggap ng payo at mahahalagang impormasyon mula sa isang grupo na pinamumunuan ni Federica Merlo, isang abugado at eksperto sa tema ng imigrasyon, partikular sa panahon ng Regolarizzazione 2020.

Ang paggamit ng app ay napaka-simple: i-download at i-install sa inyong mobile device at pagkatapos ay piliin ang wikang nais – Tagalog para sa ating mga Pilipino. Sa puntong ito, ay maaari nang i-browse ang iba’t ibang mga seksyon tulad ng forum na matatagpuan sa ilalim ng tab na Komunidad.

Sa ngayon, bahagi na ng pamumuhay ng lahat ng henerasyon ng mga migrante ang makabagong teknolohiya. Ang digital revolution ay may malaking papel sa pagpapabuti ng kalagayan sa buhay ng bawat isa, sa pagpaplano ng isang hindi malilimutang bakasyon, at bakit hindi, upang matulungan sa integrasyon ang mga baguhan sa kanilang ikalawang bansa. 

Ang bagong app Migreat – Stranieri in Italia, ay nasa siyam na wika. Abot-kamay anumang oras, salamat sa smart phones ng makabagong panahon. Mula sa karanasan kahapon, sa makabukuhang serbisyo ngayon hanggang sa hinaharap. 

I-download ang APP: https://cutt.ly/zyKxZKe

fase-3

Fase 3, sinimulan na sa Italya

Regolarizzazione: Uri ng kontrata, oras ng trabaho at halaga ng sahod para sa colf at caregiver