in

Baby gang na binubuo ng mga Pinoy, umatake

Filipino baby gang, ni-report sa pag-atake sa Bologna sa pagitan lamang ng ilang oras

altBologna, 30 Ene 2012 – Isang  Filipino Baby gang, na binubuo ng apat na kabataan, kabilang ang isang babae at dalawang menor de edad, lahat ay pawang residente sa Bologna, ang kinilala ng pulisya matapos ang report ng tatlong pag-atake ng mga ito na naganap noong bakaraang Huwebes ng gabi, sa pagitan lamang ng ilang oras. Pare-pareho diumano ang mga report na iniulat ng tatlong biktima.

Ayon sa report ng  isang 53 taong gulang sa pulisya, bandang alas 10 ng gabi nang sya ay suntukin ng walang dahilan sa Via Lame. Nakilala umano ng matanda ang apat at mabilis namang naglaho matapos ang agresyon. Ilang oras bago ito, isang report mula sa isang 21 anyos ng Caserta ang naging biktima ng agresyon ng apat na kabataan .

Samantala, isang binata ang unang-unang naging biktima ng apat sa Via Rizzoli at sinugod sa ospital sa tinamong agresyon.
Ngunit dahil wala ni isa sa tatlong biktima ang naghabla, ang apat ay muling pinakawalan ng mga pulis at ang dalawang menor de edad ay ibinalik sa mga magulang nito.

Gayunpaman, ayon sa mga imbestigasyon ang apat ay walang anumang police record sa nakaraan.

Sang-ayon sa Italian citizenship sa sinumang ipinanganak sa Italya – Di Pietro

Call centers sa Pilipinas, nanganganib