in

AUTOCERTIFICAZIONE, narito ang maikling gabay sa bawat sirkulasyon o paglabas ng bahay

Sa pagpapatupad ng decree na pangunahing layunin ay ang malabanan ang tuluyang paglaganap ng covid-19 sa bansa, na unang ipinatupad sa Lombardy region at 14 na probinsya sa apat pang rehiyon at mula ngayong araw, March 10 ay ipinatutupad na rin sa buong bansa ay magpapaigting pa sa mga pinaiiral na paghihigpit sa bawat sirkolasyon kahit sa loob mismo ng bansa o rehiyon o Comune kung saan naninirahan sa Italya

Gayunpaman, sa pagsasailalim sa lockdown ng buong bansa, sa pamamagitan ng ‘Io Resto a Casa decree‘ ay nananatiling may pahintulot ang sirkulasyon o paglabas ng bahay sa mga sumusunod na pagkakataon lamang:

  • pagpunta sa trabaho at pagbalik ng bahay;
  • papunta sa botika, duktor o ospital o anumang uri ng emerhensya ukol sa kalusugan;
  • mahahalagang bagay ng paglabas (halimbawa ay ang grocery o pamimili ng pagkain)

Ang mga nabanggit na dahilan ay kailangang patunayan sa pamamagitan ng ‘self certification’ o autocertificazione na isang form mula sa Ministry of Interior, sa anumang posibleng pag-kontrol ng awtoridad. 

Ito ay upang limitahan ang lahat ng dahilan ng paglabas ng kani-kanilang bahay matapos ang pagpapatupad ng pagsasara ng mga paaralan, sinehan, theaters.

PAALALA: ITO AY ISANG SELF CERTIFICATION NA PIPIRMAHAN MISMO NG BAWAT RESIDENTE . GAYUNPAMAN, IPINAPAYO ANG PAGDADALA NG MAHAHALAGANG DOKUMENTO NA MAGPAPATUNAY SA IDENTIDAD AT TRABAHO. 

Buong Italya, nasa ilalim na ng lockdown

Bakit mahalaga ang Autocertificazione? Paano ito sasagutan?