in

Autocertificazione, may bagong form ulit

Muli, ay mayroong bagong form ng autocertificazione

Ito ay nasasaad sa bagong Circular na ipinadala ni Head of Police Franco Gabrielli sa mga prefectures batay sa bagong decreto ng Presidente ng Konseho ng mga Ministro, inilathala ngayong araw sa Official Gazette at naglalaman ng karagdagang hakbang upang labanan ang pagkalat ng Covid19. 

Ang bagong form ng autocertificazione ay maaring i-download at i-print at maaari ring kopyahin at isulat lamang sa mga walang printer sa bahay. Tulad ng dati, ang autocertificazione ay ibibigay sa awtoridad sa oras ng kontrol.

Sa pinakabagong form, ay kailangang isulat din ang domicilio bukod sa residenza. Ang domicilio ay ang lugar kung saan pisikal na naninirahan at ang residenza naman ay ang opisyal na address kung saan residente. 

Sa unang bahagi ay nasasaad na din ang Dpcm ng March 22 at ang ordinansa ng Ministry of Health noong March 20, na nagsasaad ng limitasyon sa paglalakbay sa bansa. Sa bagong forma y kailangan ding isulat kung saan magmumula pati ang lugar ng destinasyon.  

Matatandaang pinalitan sa ikalawang pagkakataon ang autocertificazione noong nakaraang March 17.

Ricetta medica, matatanggap na via email o whatsapp

Domestic job, diretso ang trabaho ayon sa bagong dekreto