Simula sa Lunes, March 22, batay sa ordinansa na pinirmahan ni Health Minister Roberto Speranza ay mawawala ang natatanging zona bianca sa Italya. Ang Sardegna, mula zona bianca ay magiging zona arancione. Samantala, ang Campania ay mananatili sa zona rossa at ang Molise naman ay ang nag-iisang rehiyon mula zona rossa na magiging zona arancione.
Samakatwid, simula March 22, ang kulay ng mga Rehiyon ay ang sumusunod:
Zona Rossa
- Campania,
- Emilia Romagna,
- Friuli Venezia Giulia,
- Lazio,
- Lombardia,
- Marche,
- Piemonte,
- PA di Trento,
- Puglia,
- Veneto
Zona Arancione
- Sardegna,
- Molise,
- Abruzzo,
- Calabria,
- Liguria,
- Tuscany,
- Umbria,
- Valle d’Aosta,
- PA di Bolzano,
- Sicilia,
- Basilicata