in

Ang Bonus Bollette at Bonus Integrativo 2021

Ayon sa Energy Authority ng Italya, halos 3.5 milyong pamilya ang awtomatikong makikinabang ng bonus bollette. 

Upang matanggap ang bonus bollette 2021, hindi na kailangan ang  magsumite ng anumang aplikasyon. Ito ay matatanggap awtomatiko ng mga pamilyang may Indicatore della Situazione Economica Equivalente o ISEE na hindi mas mataas sa €20,000 at mas mababa naman sa € 8,265 kung ang pamilya ay mayroong (mula) 4 na menor de edad na anak at kung ang ISEE. Narito ang mga detalye. 

Bonus bollette 2021, ang mga dapat malaman

Kung ang ISEE ay mas mababa sa €20,000, upang matanggap ang bonus bollette ay sapat na ang magkaroon ng Dichiarazione Sostitutiva Unica o ang DSU, na nagbibigay sertipikasyon para sa iba’t ibang mga benepisyo. Matatanggap din ang bonus bollette ng mga tumatanggap ng reddito at pensione di cittadinanza

Matapos ang naitalang pagtaas ng bayarin sa kuryente at gas, ang gobyerno ay nagkaloob pa ng 450 milyong euros bilang karagdagang pondo. Ang karagdagang bonus ay nag-iiba batay sa bilang ng mga miyembro ng pamilya at sa lugar kung saan nakatira. 

Ang bonus elettricità ay itinalaga na may taunang halaga na mula €128 sa 2021 para sa mga pamilyang may 2 miyembro, €151 sa isang taon para sa mga pamilyang may 3 hanggang 4 na miyembro at € 177 para sa mas malalaking pamilya.

Sa fourth quarter ay ibibigay ang bonus integrativo na € 46, € 55.20 euro at € 64.4. Upang malaman ang halaga ng kabuuang bonus sa quarter na ito, ay kinakailangan hatiin ang ordinaryong taunang halaga ng apat at idagdag ang assegno integrativo. 

Para sa maliliit na pamilya, ang halaga ay magiging €78. Para sa mga may 3 o 4 na miyembro, ito ay magiging €92.95 at para sa malalaking pamilya ay €108.65. Tulad ng nabanggit, ang bonus ay magkakaiba rin ayon sa lugar ng paninirahan: mula sa € 30 hanggang € 245 bawat taon. Sa kasong ito, ang bonus integrativo ay idadagdag sa itinalagang ordinaryong taunang halaga na hinati sa 4. 

Bonus Integrativo 

Para sa mga pamilyang may apat na miyembro, ang bonus integrativo ay €18.4 para sa hot water at/o pagluluto para sa lahat ng mga climatic zone. Para sa domestic hot water at/o pagluluto at heater, magkakaiba ito batay sa mga zone: €27.60, €46.00, €64.40, €92.00 at €110.40.

Para sa malalaking pamilya (higit sa 4 na miyembro), ang karagdagang bonus ay € 27.60 para sa hot water &/or pagluluto para sa lahat ng lugar. Kung idadagdag ang heater, ang halaga ng bonus integrativo ng fourth quarter ay maaaring umabot sa € 36.8, € 64.4, € 82.8, € 128.8 at € 147.2. 

Mayroon ding bonus na nakalaan sa may kapansanan o may malalang karamdaman o namumuhay kasama ang may malalang sakit na napipilitang gumamit ng electromedical equipment upang mabuhay. 

Ang taunang halaga ay nahahati sa 3 mga antas batay sa electric power supply ng mga electro-medical equipment na ginagamit at sa panahon ng gamit ng mga ito. Mula € 189, 00 (hanggang sa 3kW) o € 442,00 para sa minimum consumption range; €311,00 (hanggang sa 3kW) o € 559 para sa average consumption range at € 449 (hanggang sa 3kW) 0 € 67,00 para sa maximum consumption range. Sa mga halagang nabanggit, na para sa fourth quarter ay hahatiin sa 4, at idadagdag ang bonus integrativo ng € 18,4 para sa minimum consumption range, € 27,6 para sa average at € 36,8 para sa maximum. (stranieriinitalia.it)

Basahin din:

Click to rate this post!
[Total: 3 Average: 3.7]

Problema sa Green pass, kanino hihingi ng tulong?

Green Pass sa Italya: Ang regulasyon, suspensyon ng sahod at multa simula Oct 15