in

730 tax refund, kailan matatanggap sa domestic job?

Ang 730 tax refund ay ang tinatawag na rimborso senza sostituto d’imposta. Ito ay matatanggap kung ginawa ang dichiarazione dei redditi sa pamamagitan ng 730 hanggang noong nakaraang September 30, 2020. Dito ay kasama ang mga colf, badante at caregivers dahil ang employer sa dometic job ay hindi kumakatawan bilang sostituto d’imposta o witholding agent. 

Samakatwid ang refund ng mga domestic workers ay direktang magmumula sa Agenzia dell’Entrate. Ito sa pamamagitan ng bank transfer sa bank o postal account. 

Kailan matatanggap ang 730 tax refund o rimborso senza sostituto d’imposta 

Ayon sa mga huling ulat, sa buwan ng Disyembre ay maaaring matanggap:

  • Abiso ng refund mula sa Agenzia dell’Entare;
  • Refund direkta sa bank o postal account. 

Ang refund o rimborso ay sinimulang ipadala ng Agenzia dell Entrate sa mga bank o postal account  noong December 16, 2020

Gayunpaman, hindi lahat ay makakatanggap ng rimborso 730 sa petsang nabanggit. Siguradong makakatanggap nito ang mga aplikante na nagbigay ng wastong bank details bago ang buwan ng Nobyembre. Matatanggap nila ang rimborso o refund hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre

Samantala, ang hindi naman nagkapagbigay ng bank details ay makakatanggap ng abiso ng refund sa buwan na ito. At matatanggap ito hanggag sa buwan ng Marso ng susunod na taon. (PGA)

Click to rate this post!
[Total: 0 Average: 0]

anticipo TFR Ako ay Pilipino

Anticipo TFR, matatanggap din bago magtapos ang taon

Decreto Natale Ako ay Pilipino

Italya, lockdown sa panahon ng Kapaskuhan