in

31,084, bagong kaso ng Covid19 sa huling 24 oras sa Italya

ako-ay-pilipino

Nagtala ng bagong record sa dami ng mga bagong positibo sa Covid 19 sa huling 24 oras sa Italya. 

Tumaas sa 31,084 ang mga bagong kaso sa huling 24 oras, mas mataas ng 4,253 kumpara sa naitala kahapon, Oct 29. 

Nagtala naman ng 199 ng mga namatay at umabot na sa kabuuang bilang na 38,321 mula sa simula ng pandemya. 

Nagtala din ng bagong record sa dami ng  tampone na may kabuuang bilang na 215,085

Tumaas din ang bilang ng mga pasyente sa ICU ng 1,746, mas mataas ng 95 pasyente kumpara kahapon. 

May kabuuang bilang na 325,786 ang mga kasalukuyang positibo (+26,595).

Arte Creativa Filippina, nagdaos ng munting eksibit sa Bologna

ako-ay-pilipino

Don Papa Rum mula Negros, ipinakilala sa Roma